Latest

 Ang SM entertainment inanunsyo ang pagpaliban sa solo comeback ni SHINee's Taemin



Kinailangang ipagpaliban muna  ni SHINee's Taemin ang naka iskedyul nito solo comeback ngayong buwn ng Hulyo 2020 dahil sa pagkaka injury ng kanyang kanang kamay.

Ayon sa balita ng Joy News24, nainjury umano si SHINee's Taemin habang ito ay nagsasagawa ng kanyang choreography.Heto ang naging pagkumpirma ng SM entertainment sa nangyari:


 "Nag- kafracture si Taemin sa isang lugar na malapit sa kanyang kanang pulso nang siya ay bumagsak habang nagsasanay ng kanyang choreography. Regular siyang dumadalaw sa ospital para sa paggamot, at plano naming maayos at ipahayag ang kanyang iskedyul ng pagbabalik depende sa progreso ng kanyang paggaling. "

Bagama't hindi naman ganun kalubha ang naging pinsala sa kanya kinailangan parin ni Taemin na magpahinga at maggamot upang mabilis ang kanyang paggaling.

Kamakailan lang ng iaanunsyo nya ang naka iskedyul na pagbabalik nya ngayong Hulyo bilang soloist,ito ang kauna-unahan niyang solo pagkatapos ang paglabas ng "Like" noong Pebrero 2019.


Ngunit dahil sa naging pinsala sa kanya minarapat muna nila itong ipagpaliban.

No comments

Share us your reaction to this article.