Latest

Kinumpirma na si Soyou ay magsasagawa ng isang comeback ngayong Hulyo.

Soyou - Sistar - Asiachan KPOP Image Board

Isa ito magandang balita para sa mga tagahanga ng dating miyembro ng Sistar  na si Soyou.

Ayon sa ulat ng mga media sa South Korea si Soyou daw ay magsasagawa ng kanyang pagbabalik  bilang soloist ngayon buwan ng Hulyo.

Ang naturang balita ay tinugunan naman ng Starship Entertainment na siyang may hawak kay Soyou.

 "Si Soyou ay kasalukuyang naghahanda ng isang comeback na may target na paglabas sa katapusan ng Hulyo."

Ito ang kauna-unahan na solo ni Soyou mula noong huling pagrelease ng "Part.2 RE: FRESH" noong Oktubre 2018.

Mula ng magkawatak-watak ang grupo niya na Sistar noong 2017, naging aktibo na ito sa iba't ibang larangan mula sa paglabas ng mga OST, mga kanta ng duet, at paglabas sa iba't ibang mga programa ng palabas.

Sumabak rin si Soyou sa pag-arte noong 2019 ng gumanap siya sa drama na 'Clean and Polish' sa KBS.

No comments

Share us your reaction to this article.