Latest

Dahil sa naging kontrobersya ng 10 taong pang-aapi ni Shin Jimin  kay Mina , ang dating leader ng AOA ay muling nag-drag ng maraming pangalan ng ibang mga dating  miyembro.

Ang pangalang ChoA, na dating miyembro ng grupong AOA, na nagpasya na iwanan ang grupo noong 2017, ay muling naging usap-usapan ng maraming mga netizens lalo na sa Korea.



Ayon sa mga netizen na nagsagawa ng paghahanap ng kay ChoA,nalaman nila na followed nyang lahat ang mga instagram account ng mga dati nyang kagrupo na AOA maliban kay Shin Jimin.



Kabilang sa kanyang naifollow  na account ay ang instagram account nila Chanmi at Mina na dati ring miyembro ng grupong AOA.

Dahil dito napaisip ang mga netizen na baka siguro ang tunay na dahilan ni ChoA sa pag-alis sa grupo noon ay dahil din sa pananakot ni Jimin.




Napabalita dati na ang naging dahilan ni ChoA sa grupo ay dahil sa insomia at depresyon.

Ikaw sapalagay mo ano kaya ang totoong dahilan ng pag-alis dati ni ChoA sa grupong AOA? May kinalaman nga kaya dito si Shin Jimin?

No comments

Share us your reaction to this article.