Latest

Ang mga tagahanga ay humahanga kay  Irene (Red Velvet) sa  maluho na kapaligiran tulad ni "Jang Man Wol" 

Ang debut nila Irene at Seulgi sa kanilang album na "Monster" ay naging atensyon ng mga tagahanga ng Kpop.Hapon ng Hulyo 6,nagkaroon ng live chat ang dalawang idolo sa kanilang mga tagahanga sa isang livestreaming app sa isang okasyon na pinasimulan ng Redvelvet.



Ang dalawang idolo ay paehong nagsuot ng puting bestida na may maluhong istilo ng buhok.Ang konseptong ito ay ginawa nila Irene at Seulghi para sa kanilang music video ng kanilang kantang "Monster" na inilabas ngayong Hulyo7.




Matapos ang naging livestream naging mainit na paksa ang naging visual ni Irene kahapon.Kumalat umano ang isang GIF image ni Irene na kinamanghaan ng mga tagahanga.Sa larawan naging kawangis nito si "Jang Man Wol"  ang isang karakter sa isang serye sa TV na Hotel de Luna na ginampanan ng singer-actress na si IU.



Sinabi ng mga netizen na si Irene ay napaka-angkop na para sa ganitong uri ng pampaganda at imahen sapagkat pinapahusay nito ang kagandahan, gilas at "cool" na pag-uugali ng idolo .Nitong umaga lang inilabas na ng SM entertainment ang music video ng "Monster"matapos maantala ng kalahating oras.



Ang duo ni Irene at Seulgi ay nagpapakita ng magkasulungat na konsepto,malambot at matikas,malakas at mahiwaga.Ang kanilang kumbinasyon ay nging mainit sa mga netizen ng Korea.


Kung hindi mo pa napanood ang music video ng "Monster" maari mo itong mapanood sa baba.




No comments

Share us your reaction to this article.