Matapos ang pagtatapos ng programa ng "Good Girl", umupo si Yeeun at nakipag-usap sa "Star News" tungkol sa kanyang pagdalo sa nasabing event.
Nang tanungin si Yeeun tungkol sa mga impression na nakita niya mula sa iba pang mga artista na lumahok din sa programang "Good Girl", sumagot siya na "Hindi sila nakakatakot" at marahil ay masyadong kinakabahan si Yeeun dahil nahihiya siya.
"Nang nagsimula akong makipag-usap sa mga Unnies ( mga Ate) habang ini-enjoy ang meryenda, sila ay napakaganda at ibang-iba sa imahe na ipinakita nila." Paliwanag ni Yeeun.
Inihayag din ni Yeeun na natagpuan niya muli ang kanyang kumpiyansa matapos kantahin ang awiting 'Witch' kasama sina Hyoyeon, Cheetah, Jamie, at Jiwoo.
Inihayag pa niya na ang cast ng "Good Girl" ay may sariling chat group. "Ang bilis ng chat ng aming grupo ay napakabilis, kaya kailangan mong magkaroon ng tamang oras. Ang DinDin Oppa ay palaging binu-bully kahit sa mga chat sa grupo."
Nagpatuloy siya, "Kahit sa mga chat ng grupo, sina Ailee unnie, Youngji, at Jamie unnie ang pinaka-maimpluwensyang tao."
No comments
Share us your reaction to this article.