Latest

Inanunsyo ng FNC Entertainment na opisyal ng umalis si Jimin sa AOA.



 Sabado ng Hulyo 4, inihayag ng FNC Entertainment  ang ahensyang na may hawak sa grupong AOA ang opisyal na pag-alis ni Jimin sa grupo.Ito ang kanilangnaging pahayag:

"Una sa lahat, nais naming humingi ng tawad sa naging pag-aalala ng maraming tao dahil sa mga isyu na may kaugnayan kay Jimin kamakailan."

 "Mula ngayon, nagpasya si Jimin na iwanan ang AOA at itigil ang lahat ng kanyang mga aktibidad sa mundo ng entertainment."

  "Bilang karagdagan, ang aming ahensya ay magiging responsable para sa buong sitwasyon, at mas tutukan namin ang pamamahala sa aming mga artista sa hinaharap.

 Sa sandaling muli, humihingi kami ng paumanhin sa sanhi ng pag-aalala sa isyung ito," pagtatapos ng ahensya.

  Noong nakaraan ay isiniwalat ni Mina na siya ay naging biktima ng kasong pang-aapi na isinagawa ni Jimin habang siya ay miyembro pa ng AOA.


No comments

Share us your reaction to this article.